Tuesday, January 13, 2015

Tinolang Manok - Sariling Atin


TINOLANG MANOK



Ang sariling atin, pagdating sa mga chicken soup. Ito'y paborito ng lahat, mula kay bunso hanggang kay lolo. Subukan!


Mga Sangkap:
  • 1 kilo manok
  • 4 butil ng bawang
  • 1 sibuyas
  • 1 sayote, hiniwa / papaya
  • 1 tali dahon ng sili
  • Luya, hiwain
  • asin, vetsin
  • mantika
  • patis
Paraan ng pagluluto:
  1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
  2. Ihalo ang manok, lagyan ng asin at vetsin.  Takpan at hinaan ang apoy hanggang sa kumatas ang manok.
  3. Pag malambot na ang manok, ilagay ang dahon at sayote o papaya.  Pakuluin. 
  4. Dagdagan ng sabaw, timplahan ng patis.

No comments:

Post a Comment